Save my eyes from tears
San kaya ako magsisimula??? ang tagal din nung huling post ko at marami rami na ring mga nangyari sa akin sa loob ng isang linggot kalahati! hmmm.... where where where??
Una!
¬ansaya pala ng U.P Fair! unang beses kong nakapunta!! naenjoy ko rin ung mga bandang minsan ko lang marining... kasi laging kwento ang naririnig ko tungkol sa kanila... wahahah ang galing... may weirdo nga lang... eto...
mausok sa stage...
lahat ng nasa harap ng moshpit... nakapanyo sa ilong... bakit kaya???
¬
CJ: tol... mukang maha-high ako dun ah...
¬
sayc:bakit naman... ano ba ung usok... fog machine un dibah??
¬
CJ: HINDE!
¬
sayc: anu yun??? wag mo sabihing? (pertaining to marijuana...)
¬
CJ: (nods)
¬
sayc:kaya pla mabango... (shocked)
----------------------------------
hahah... end of story,,, ok ang up fair... daming twist... brown out... pero masaya!!!
IKALAWA!!!
practice ng kanta for CMLI's Anniv! masaya ang kantahan.... masarap ang kainan... ang lupet ng mga pieces... masaya ang kwentuhan hanggang sumablay nung uwian...
pauwi na kami nina kuya earl charlz...louie nd nurai..
naunang sumakay sina nurai ng jip.... alis sila.... sumunod na dumating ang jip na sasakyan ko... walang tao sa harap kaya dun ako sumakay... ayun... i hopped!
may dalwang taong directly na nasa likod ko... nag uusap sila. Parang masaya nga sila... one, brags about a text he received from his relative... ewan ko kung pinagmamalaki nya un basta it sounded just like that... so...i didnt mind at all... masaya sila... then go! hahaha
then after a few minutes,,when the jeep passed by santo domingo church, may commotion na sa likod,,, i heard people arguing,,, may away... so i decided to look back...
NA SHOCK AKO...
nakita ko,, may balisong na nakatutok sa taong directly nakaupo sa likod ko! sheesH!!!!! may hold-up na nangyayari at that moment! naisip kong bumaba ng jip..pero yung dalawang hold-upper, bumaba na rin... so.... di na ko magpapakatangang bumaba pa ng jip.... malay mo, ako isunod...
umuwi akong nanlalambot...
--------------------------------------------------------
TATLO:
Ansayang magkaroon ng COllege week! halos walang pasok! imagine, papasok ka lang para mag intrams! saya ng buhay mo lolo!! hahahah
Ansaya ng unang game namin ng basketball.... i played 2 positions na di ko pa nilalaro in my whole basketball life! I played Center in one game... and i played Point guard in the last one.. asteeg!!!
Nag absent kasi yung isa naming player na matangkad...and unfortunately, ako na ung susunod palyer in terms of height... kaya... ayun... nag center ako...
i grabbed 3 points... 3 rebounds... hahahah! wala lang.... un lang naaalala ko so far... hahahah! feeler!!
in my second game... sobrang pagod pa rin ako from my first altho it was scheduled another day... pagod pa rin... this time,,, it was helluvalot difficult... 2nd yr ang kalaban namin!!! im playing point guard this time! sheesh...
nung una...kaya namin... nakahabol cla nung medjo lumilipas na ang quarter.... wahhh.... they won by 2 points!!! sheesh!!! so natapos ang laro na lahat kami ay sunog sa ilalim ng araw... waahhh
oo nga pala... the basketball game costs 300 pesos! (para daw sa referee. Running time na 10 minutes,, tapos by half ang laro... wow..kaya ang mga score.... di lumalagpas ng 30... ewan ko na lang kung shooting spree ang laro ng bawat team!... wow...
realization: uso na pala ang gagatasan ka ng sarili mong student council para makalaro lang sa activity na sila rin ang nag plano... buti sana kung nang inform ang mga lola...
HINDI EH...
--------------------------------------------------------------
FOUR:
binuhay ko ulit ang pagiging NEB ko nung isang araw... hahah... nafeel ko cya ulit actually! kasi i went to NEB2k5's CAYAW. Nabalita kasi sa akin ni Kelly na baka daw mag isang pumunta at mag isang mag cayaw si Kerwin! so.... un... wala naman akong pasok sa umaga... might as well tumulong na ako... hahah..
bonding kami ni kerwin while on the way to MRHS...:D asteeg cya kasama!!! hahaha...
nag enjoy akong magtrabaho ulit... asteeg! kasi... yung mga contest... halos ung mga school din na dating pumupunta ang nag susulputan!! hahaha!! ansaya,,, may delegate pa nga kaming nakita ko eh.. naalala pa ako... awwww... sweet!
hahaha... and then nung afternoon... dumating na sina rizza and rose... but, aladin and jay needed to go to ramon na kasi may class na sila... kasabay din dumating nina rizza si sir gumby! asteeg!!! hahaha tapos... kain kami sa MAX's hahah! CHICKEN!! ISADTCHU!!!????
then, i went to ust.... para mag basketball para sa team namin... TALO kami... hahaha.. so balik ako sa MRHS! hahaha...saya! tapos nun we packed up and prepared to leave... so... di namin alam kung san kami magsisipunta... so i butted in... "SM na lang tayo!" ok naman kina kerwin rizza and rose... so... ayun! go lets kami sa sm!!! hahaha!!! unfortunately,, nagdecide ulit c rizza na umuwi na lang... exams pa kasi tomorrow... kaya un! hahaha!!! anlufet! sm kami nina rose and kerwin!!! BONDING SESSION!! lahat kami ay nangharabas ng ice cream na 10 pesos lang! sulit!!! tapos,, ikot ikot,,, saya naman! nag hanap pa nga kami ng chucks ni rose na babagay sa akin... kaya ayun, we made an agreement na pag bibili ako ng chucks, kasama ko cya! asteeg!!! hahahaha

nung gabing un.. bumili na rin si rose ng sapatos! asteeg!!! hahaha...
and then medjo nabored kami... nag kayayaan ng arcade! hahaha!!! anlufet ni rose!!! PARANG WALANG EXAM KINABUKASAN!!HAHAHA!!! ayun!! tri-ny namin ung house of the dead where u get to shoot zombies as the game progresses,,, hahaha... may topak ang machine!!! hahaha!!! tapos, nagkarera kami... hahah! ang lupet.. sumisirko ung auto sa ere!!! hahahah!!!! hahah.. tapos nag time crisis kami... this time, tao naman ang binabaril! hahaha!!! ang maganda pa nyan, nag basketball kami! shootout!!! wah!!! ansaya mag ipon ng ticket!!! kaboom!!! tapos dumating c kelly! ayun.... ganun ulit... then rose decided to go kasi bibili sila ng ate nya ng sapatos! hahah.... saya saya!!!
lakad kami ng lakad na parang wala nang bukas... hahaha
------------------------------------------------------------
FIVE!!!
reunion ng barkada nung isang gabi! ang saya saya!! ansarap dun sa kinainan namin along visayas avenue!!!! hahaha!!! A veneto ba yun??? hahahah!!! ansarap ng pizza!!! pati ung pasta... wow... ang maganda pa nyan... bottomless ang iced tea!!! hahaha!!! LUNURAN SESSION!!! hahaha... bukod pa dun joke time buong gabi sa harap ng pizza!!! hahaha!!! ang saya kaya!!! tapos nung natapos... konting picturan,,, tapos...alis na.... awww.... namiss ko ang kada ko...

imagine, isang taon na rin kaming graduate wow... namiss din namin ang high school... ayun...
PUNCHLINE: ansarap talagang balikan yung mga barkada mo nung high school....sobra...
-------------------------------------------------------------
at ako?... ganyan karami ang nangyari sa akin... wala pa ring nag iiba....
Inspired Pa rin!!!
salamat sayo.....
Shoot for the moon. Even if you miss, you'll land among the stars
¬Les Brown-
Currently listening to: Liwanag sa Dilim rivermaya
Currently reading: a leaflet
Currently feeling: blank