Masayang Balikan yung mga nangyari na...
kahit may laging pinagkakaabalahan,basta may bagay na nagpipilit sayong mag retrospect,yung makita ulit yung mga masasayang nangyari dati,
Sure yon... matutuwa ka na lang..
nagliwaliw ako kanina. nung pauwi na ako, napadaan ako sa pink na overpass ng MMDA. Marami akong iniisip noon... laking gulat ko na lang nung may nakita akong sobrang nagpatuwa sa akin..
Nakalagay sa kanya:
Air Conditioned: Ordinary Fare Yup tama ka. Bus nga yong nakita ko. Dun sa Bus na yon, nabuo ang samahan ng 19 na taong nanggaling sa ibat obang lugar, ibat ibang skwelahan, ibat ibang hilig,ugali at diskarte sa buhay pero isa lang ang objective nila..
Oo. Bus. nakita ko sa kahabaan ng EDSA. Tatak "V" sya at tama ka na naman sa inaakala mo. Vicory Liner sya. Tamang trip daw ba ang maghanap ng Bus? oo tama lang. Dahil di ko inaasahang yung bus na to ,na dati'y hinahanap hanap ko, at hinihintay na makita man lang eh dadaan sa baba ko.
naalala ko nung nakasakay kami. Lahat kami nagising kasi nga tumigil bigla yung bus. (Ewan ko kung sa pampanga na yun or sa may bandang tarlac) sabi ng conductor: "
Tandaan lamang po ang number ng bus naten" nakinig naman kami...bigla lang kaming napatawa sa Konduktor..
"
Tandaan lang po natin: 1600 (one six sero sero) hehehehe...hay... alam nyo, biglang nabuhay ang lahat ng pasahero sa bus. Kakatuwa nga eh. walang kibo si konduktor. pati sya, napatawa din.
Ayun si Victory liner bus number 1-6-sero-sero. Yu ang tumambad sa paningin ko. Laking gulat ko talaga. Lahat kasi ng victory liner, inaabangan ko. baka sakaling dumaan sya. At di ko inaasahan yun nah. Eto na.
may nagbago sa kanya. Di na dilaw yung ang gamit nyang kurtina, kundi pula na. Yung picture ni miriam quiambao na nakalagay sa dashboard ng driver ala na rin. Yun kasi ang palatandaan namin noon sa bus na yon. hehehehe.
Si one-six-sero-sero talaga.
OO. lulan kami noon dati papuntang Baguio. Ilang oras din naming hinintay yon para ma lessen ang mga worries namin with regards to handling the convention properly. Sa bus may
wise, may tatay,may nanay,may astig magpatawa, may joker, may senti,may the love, may established,may tahimik, may gitarista,may itlogista(nugget na shaker yun pare),may valedictorian,salutatorian,dancer, singer,Lasalista,Atenista,tag Uste, High school, Nurse, Engineer, Architect,musikero, statistician,mathematician, Emcee, RK, at kung anu ano pang pinagsama sama...
lahat =
SAYA
naalala ko tuloy si Richard. (ako kasi noon si raymond kasi pareho kaming kalbo.)
,si live tyler, si starstruck, the truth,si textmate, si Nanay, si karamay sa pag-ibig,si Bespren, si U-da-ni,si krung-krung,si bes, si Marina, si Sarah geronimo, si kyla,si Tralala,si ka-cup noodles,ang lay-out queen...whew lahat na sila... markado sa isip ko... dito na sa heart ko...
Ayun. Baguio nah. limang araw lahat lahat ng convention. Pati graders at annual. pareho lang silang maigisi.. magsasawa ka na nga lang sa pag-bobounce-out tuwing gabi, puyat ka pa pagdating ng umaga. Over all, sobrang saya...
kahit alam mong pagod ka...
hanggang sa umabot na yung araw na bilang na kung ilang araw kaming magsasama sama.
huling miting.
Huling Big mac.
Huling bonding.
Huling office.
Huling araw ng pagiging NEB
Inaamin ko sa sarili ko na sobrang saya at memorable ang lahat para sa akin. Kung pwde lang sana na NEB ako forever kaso kahibangan yun.
Kailangan harapin ko yung katotohanan.
kailangang harapin na tapos nang lahat...
lahat...
Salubungin saka turuan silang papalit sa amin... magagaling sila, inaamin ko, sana nga mas mahigitan pa nila yung mga nakayanan naming gawin.... andito lang kami.... susuporta...
kasama nun.... ang pag babay sa pagiging NEB, pero hindi ang pagkakaibigang nabuo galing sa pawis, dugo, sugat, hinanakit, puyat, sermon at tuwa.
ika nga... Pamilya na kami... walang tatalo doon...
Eto kami. *AA... masaya as ever. tapos ang storya...
*
AA: Alumni Association
Ayuuuunnn.... lumagpas na sya sa overpass. kasabay na lumagpas na rin ang mga memories na tangan ng bus sa loob nya. kelan ko kaya sya ulit makikita? kelan kaya sya ulit dadaan??
nakaraing ako sa bahay. masaya. Pagod. pero napawi lahat nang yon nung naalala ko yung pagiging NEB ko...
papuntang CMLI convention ...
sakay ng One-Six-Sero-Sero...
Papuntang Baguio...
para toh sa lahat....
lalo na sa AA...
lalo na sa Delegates...
Sa inyo.... 2k5....
At para sa pamilya ko....
mga mahal ko....
batch mates....
PS AMISHUU NA!!!! SOBRAH!!!
Currently listening to: Shit ka...tae ka... Bota ka... pero Luv pa rin kita..Ü
Currently feeling: thoughtful