Kabanata II: Pintura
Posted by icer_sayc at 03:54 PM on September 12, 2005.
Bakit ba pag tahimik, andami kong naiisip. Mga bagay na di naman dapat masyadong binibigyan ng pansin, mga bagay na sa tingin ng ibang tao, masyadong mababaw. Pero naisip ko, sa bagay, kanya kanyang trip lang naman ang ginagawa ng isang tao... marapat lang na irespeto ng isa ang gustong gawin ng iba.
Gaya ko...masaya naman ang araw ko ngayon. Kahit na puno ng pagod, at medjo nananakit ang katawan, meron pa rin naman akong rason para maging masaya bago man lang matapos ang gabi.
Puno na ng pintura ang kamay ko. Ang masama pa, ito yung pinturang pang pader: yung matagal matanggal sa kamay. pero di ko naman maipagkakailang masaya ako sa mga pagkakataong yon, kung ganun lang rin naman ang mangyayari, abah, baka magpintura na lang ako buong magdamag.
Habang pinipintahan ko ng pula ang illustration board, di ko na naiisip masyado ang nadarama kong sakit... sobrang bumalik ang sakit ko sa ulo... na sa twing mag pipintura ako at yuyuko... parng tatanggalin ng kung sino ang ulo ko sa pagkakakabit nito sa leeg ko... dala na siguro ng puyat at trabaho at magkahalong sakit ng katawan dahil sa basketball kaya ako nakaramdaman ng ganun.
Tama nga sila... hindi ako robot...at walang taong robot.
pagod na ako...pero kailangan kong isulat toh...
Masayang kumain, lalo na pag may kausap... may matatanungan.. mapag sasabihan ng problema.. hinanakit, saya, kabulastugan, lalo na pag ang nasa harap nyo eh dalwang tray ng french fries... naisip ko tuloy, nakakapang relax pala ang pagkain nun, at lalo pang sumasarap pag tipong pakonti na sya ng pakonti... hayun... hanggang sa nadama ko na ang huli kong lunok ng pagkaing nakahain... sabay namang kailangan nang umalis dahil kahit ang mga taong nagtatrabaho ay kailangan ding magpahinga para bukas... di rin naman sila robot dibah?
Muntik na akong abutan ng ulan kanina... dahan dahang pumapatak ang ambon habang patuloy ako sa paglalakad pauwi...pero di ko maiwasang ngumiti dahil sa mga bagay bagay na nangyayari sa paligid... mga mumunting bagay na sa iba'y walang katuturan, na sa akin eh napakalaking bagay nah...
pinagpatuloy ko ang paglalakad... malapit na akong matumba... pero dapat kong kayanin... pilit na ang paglalakad sa antok...pero hanggat may natitirang lakas sa akin...lahat na yata ng posibleng gawin... gagawin.
sandali na lang...nasa bahay ka na sayc... konting tiis pah...
ayun...kinaya. eto.. matapos na maupo nang sandali... hindi ko na alam kung san pa ko nakakalap ng lakas para masabi ko ang mga bagay na toh... sa bagay, matagal tagal ding di nakaranas ng pagdadrama tong blog ko...pero sa ngayon, parang di ko kaya... ang hirap isalin sa salita lahat ng nadarama ko ngayon... parang sasabog na ako sa dami ng nararamdaman... hindi ko alam kung pano sisimulan pero siguro...
may mga bagay na kailangan nang gawin... simulan... at patunayan....
oo, inspired ako... kailangan pa bang imemorize toh?