Entries for February, 2006

February 9th, 2006

Wala lang sa inyo toh... ako lang naman toh eh...

Posted by icer_sayc at 01:47 PM on February 9, 2006.

bah... bah... bah... anlabo talaga ng mundo ano? alam mo kung kelan ka naman nagiging totoo sa ibang tao, saka ka naman nila lalayuan. Well di ko naman masisi ang saril ko kung nagiging masayahin ako paminsan-minsan. DI ko naman maisisisi sarili ko kung may nararamdaman akong di ko maipaliwanag, alam nyo un, yung kaya nyong ilihim pero kitang kita naman sa mga galaw... haaaay... ewan ko ba...

Hindi ko pa rin alam kung san ako nagkakamali sa mga bagay bagay... marami na akong bagay na nalaman sa buhay... pag nagmahal ka, kailangan pinapakita sa galaw at hindi lang puro salita... lahat naman un sa tingin ko nagagawa ko... pero alam nyo yun? nasan ako nagkakamali?

hay...ang hirap ng may taong kinikilala... minsan kung kusa ka nang lumaapit, wla pa ring kwenta wala namang nangyayari... hay... ang hirap talaga... ang hirap nung hindi man lang naaapreciate ung mga ginagawa mo... well... yun lang. masakit lang isipin kapag nakikita ko sya, parang nararamdaman kong lumalayo na cya paunti unti... nakakalungkot isipin na kung kelan mo naman ako dahan dahan na napapalapit... saka naman tinatangay ng hangin papalayo lahat... nakakainis talaga....

kagaya nyan... mag lalabinsyam na taon na akong walang kavalentine... hindi na rn big deal sa akin un... kung anong ibigay sa akin...game... gumagawa ako ng paraan pero bagsak naman kinabukasan.... grrr... bahala na talaga ang itaas sa akin... basta ako, alam ko sa sarili ko, malinis ang intensyon ko sa mga ginagawa ko...

sana makatulog pa ako ng maayos gabi gabi...

sana di ka na lang parang glue na madikit sa isip ko...

sana kahit papano, makita mo ung mga ginagawa ko...

sana din kahit minsan, malaman mo yung nararamdaman ko...

Dude... paalala lang...

Mahal ka ni Carlo.

Everything she does is beautiful, everything she does is fine...
Currently listening to: You and Me - Lifehouse
Currently feeling: cold

Break the Ice!

February 13th, 2006

Buti pa talaga sila

Posted by icer_sayc at 02:43 PM on February 13, 2006.

Naalala ko tuloy si Gary Granada... gumawa ng kanta.... eto ang format ng gagawin ko ngayon... reflection!


Words & Music GARY GRANADA
1998 Metropop, 1998

Mabuti pa sila

Mabuti pa ang mga surot, laging mayrong masisiksikan
Mabuti pa ang bubble gum, laging mayrong didikitan
Mabuti pa ang salamin, laging mayrong tumitingin
Di tulad kong laging walang pumapansin

Mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel
At mas mapalad ang kamatis, maya't maya napipisil
Napakaswerte ng bayong, hawak ng aleng maganda
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

Ano ba'ng wala ako na mayron sila
Di man lang makaisa habang iba'y dala-dalwa
Pigilan n'yo akong magpatiwakal
Mabuti pa ang galunggong nasasabihan ng 'mahal'

Kahit ang suka ay may toyo at ang asin may paminta
Mabuti pa ang lumang dyaryo at yakap-yakap ang isda
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

Mabuti pa ang simpleng tissue at laging nahahalikan
Mabuti pa ang mga bisyo, umaasang babalikan
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

(Interlude)

Pigilan n'yo akong magpatiwakal
Bakit si Gabby Concepcion lagi na lang kinakasal

Mabuti pa ang mga isnatser, palaging may naghahabol
Ang aking luma na computer, mayron pa ring compatible
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa



Lupit ano. kung tututusin. konti lang ang may alam ng kantang toh... minsan ko na syang narinig noong bata pa ako... hindi ko alam magiging konektado pala toh sa buhay ko... Gusto ko magkaron ng didikitan... kung babol gam ako.... gusto ko ring me humawak sa akin kung bayong akong laging tanan sa palengke..... kelan kaya...kelan kaya....

ewan...kung itutuloy ko to... malamang maiisa isa ko na naman ang nakasulat dun sa taas...grrrr. pupusta ako, valentines day... malabo... para sa akin... whew..

go sayc...kaya mo yan...
Currently listening to: You and Me - Lifehouse
Currently feeling: sad

Break the Ice!

February 14th, 2006

Wraith

Posted by icer_sayc at 03:18 PM on February 14, 2006.

I am the shadow
cast from the light'
I am the reflection
of the pale moonlight

i am just a specter
an apparition or a ghost
im the darkest part of a picture
in darkness i suppose

i am faint weak and dizzy
lacks vividness and clarity
i have mostly vague expressions
in my acts and in my words

I am the shadow
that lurks beneath
i am the part where
absence of luminance and ethereal worlds meet

i am the reflection
from another surface from another world
my actions are unclear
unusual are my words

when will such reflection
when will such shadow
find its proper place
where it will grow?

If red becomes maroon
and blue becomes black
then everything will be dark
everythings exact...

when will such heart
be taken away from fray
when will those cuts be patched
these wounds fade away...

these o mighty God I plea
please give this shadow
a place where
its meant to be

For this shadow,
this reflection,
was way long
out of sight

make it a specter no more
a stranger out of sight...
Grant it Sire, with all sincerity
that this shadow, this ghost,
this wraith this reflection

be the person he was once was...
patched up completely.


"This is for the other shadow... her..."
Currently listening to: The Day You Said Goodnight- hale
Currently feeling: uncomfortable

Break the Ice!

February 15th, 2006

Bayabas at Amapalaya Chronicles

Posted by icer_sayc at 05:03 PM on February 15, 2006.

mahirap ang walang masyadong maisip.hindi alam ang susunod na gagawin. Malabo mangyari ang lahat ng plano kung sa bawat aksyong gagawin, wala ka sa tamang diwa.

Masaya ang maging mag isa minsan. Masaya ang makapag sarili paminsan minsan. pero minsan, pag nasanay ka, para rin yang ingay: Nakakabingi. Yun nga lang..sarili mong katahimikan ung gumagawa ng ingay...magagawa mo? mag isa ka eh.

maraming bagay ang madaling sabihin. konti lang naman ang mga bagay na mahirap gawin. pero sa kahit anong kundisyones pa meron ang mundo, ang palging ko gagawin ang kung sa anong tingin koy tama at wala akong taong masasagasaan sa proseso.

Malabo ang diwa ng iba. meron namang katatalino. meron namang ubod ng bobo na nasa harapan na nila ang sagot... anak ng tinapay, kulang na lang syay maglaway.. asar.

Maganda ang mga kantang nagpapaisip. maganda din naman ang mga kantang straight. maganda ang kantang pinaghihirapan.. pero wala nang gaganda pa sa kantang may kalakip na karanasan... tagos ba?

masaya ang mundo kapag may minamahal sabi nila... masaya ang mundo ng isang tao kung sa bawat ihip ng hangin na humahaplos sa mukha nya, sabay nito naman ang pagngiti ng minamahal nya. eh pano yun mga iillang tao na loveless kung tawagin... san sila lulugar.

sabi ng iba, hintayin mo daw ung taong yon... yung kalahati ng puso mo... eh pano kung di ka naman gagalaw? pang habang buhay ka na lang bang maghihintay, pag minalas malas ka pa, maghihintay ka ng wala... bwiset.

Minsan may feeling na cloud nine ang bawat sandali.... minsan naman impyerno. minsan naman may pakiramdam na hindi mo mawari: yung hindi mo makuha ang tamang anggulo mo sa upuan, ung pagkabulol, pagkautal, natataranta, matutuliro natutulala, nasisiraan ng bait na minsan kahit ang imposible kayang gawin... magmukha mang tanga, para sa minamahal, go...

may maga oras naman na walang tulog. nakakalimot ng gamit sa school dahil sa pananabik makita ang taong yon... yun pala... exam nya sa math,,, kailangan ng calculator... kaboom... dahil sa aanga anga ka boy, nakaligtaan sa tukador ang precious calculator... manghiram ka na habang may oras boy.

minsan naman may mga nagpaplano, hindi naman matutuloy. kung minsan nga nag iiba pa... minsan maay planong hindi nasusunod pero maganda ang kinalalabsan. pero kung ikaw ung laging may topak ang tadhana, at talaga nga namang malas malas ka, ayon... sablay ka joeyboy!

Minsan naman ginaganahan ang ibang magtrabaho..motivated, energetic, may vigor... inspired ang loko. eh sino ba namang taong hindi gaganahan... ultimong ngiti lang nya ang masilayan mo sa simula ng araw katumbas na non ang kahit anong multivitamins na mabibili sa botika. naknangwala oo...

nakakalowca ung iba ano... pano kaya kung ganyan ang isang tao araw araw... malamang adik adik na yun,,, aning.

ako? di ako ganyan... pero inaamin ko na halos sa buong itinayp ko dito, di maiiwasan na meron akong mga katangian dyan sa mga nakalahad. ewan ko ba kung anong naisipan ko kung bakit ganito ang mga naisulat ko sa pagkakataong ito. hindi ko kasi lama kung inspired ba ako o ano? hindi ko alam kung tama ba ang mga hinala ko, hindi ko alam kung ang babaeng type ko eh kahit na ga bihok na pag asa ay meron ako...

ang hirap talga pag puso na ang tumibok.. kahit na anong bagay,
ititigil lang para sa minamahal.hay... inaantok na ko... sana sa pagtulog ko...makita ko sya sa panaginip... na kahit ultimo sa panaganip na lang... pwede nah...


hay.... ansarap magmahal. masaya.

hay... ang hirap pag loveless... hanap ka dyan... itataboy ka... wah..
kamusta naman..ang asim.. ang pait..

basta...ako? nararamdaman ko para sa kanya? totoo... walang biro..walang pagkukulang...



sa katunayan nga..


mahal na mahal siya ni Carlito... hindi bah?


ngumiti kahit na napipilitan, kahit pa sinasadya mo akong masaktan paminsan minsan, bawat sandali na lang...
Currently listening to: You and Me - Lifehouse
Currently reading: Banister Fletchers History of Architecture
Currently feeling: sleepy

1 Down!