Entries for March, 2006

March 8th, 2006

narda... para sayo...

Posted by icer_sayc at 02:30 PM on March 8, 2006.

itago na lang natin sya sa pangalang narda. masayahin. cute. palangiti. maganda. package na cya. minsan isang araw nag concierto ang kamikazee sa amin. ansaya. syempre me autograph ako ni jay.. ang dakilang bokalista... malupiit sya kumanta. lalo na nung sinimulan na ang narda.

ewan ko kung anong pumasok sa isip ko...nagsulat ako sa isang papel... ipinabigay ang dedikasyon ng narda kay "narda" ayun...

bagamat wala na cya noong mga oras na yon. yung mga napakahahalagang oras na iyon nung kinakanta na ang komposisyon, saksi ang ilan, banggit ang kanyang pangalan... at nagsimula na ang tugtugan.

lingid sa kaalaman ng iba, wala na rin ang nag alay ng kantang yun sa paligid...

wala rin namang nakasulat sa papel kung sino un,

ang alam ko lang...

ako ang nagpabigay nun...


hay.. saktong sakto ang kantang narda... ang hirap mong abutin. hindi ko alam kung tama bang sundin ang nararamdaman ko o hayaan na lang kitang lumipad papalayo...

bihira lang makausap...

bihira nang makasabay kumain...

basta, bihira...

"tumalon na lang kaya ako sa bangin para lang iyong sagipin"

kaso baka pag talon ko...walang darnang sumalo... di lang katawan ko ang tepok, puso ko rin...dedo... kawawa naman...


hay...
oo nah...ako na ang nagpabigay... ako na ung nag paalay.. gusto lang naman kitang pasayahin sa mga bagay na sa tingin kong ikatutuwa mo talaga. sana, maintindihan mo rin, may nararamdaman ako para sayo narda...

hindi lang ang mag paalay ng kanta ang kaya ko...

marami pang iba...

ang mahalaga, nakikita pa ng mga mata ko ung ngiti sayong mukha...

narda... ingat ah...
Currently listening to: nerbyoso-rivermaya

Break the Ice!

March 30th, 2006

Fireworks oh! sayang di mo inabutan...

Posted by icer_sayc at 03:36 PM on March 30, 2006.

im starting to like fireworks, food sya para sa mga mata. hindi lang nyan binubusog ang paningin, pamparelax rin siya sa mga taong tensionado, depressed at kung anu pang sakit na nakakaapekto sa sistema ng isang tao.

Para rin syang chocolate sundae sa mcdo... pampatherapy sa mga taong depressed. nagawa ko na yan minsan, believe me, very effective!

anyways, back to the fireworks tayo... ayun, naiyak lang ako kanina, ang ganda ng fireworks,, ang ganda ng graduation ng fifth year arki students, at syempre ang pinakahighlight, outdoor type ng graduation siya at umuulan pa.

san ka pa nakakita ng ganun? o dbah? ansaya saya! napakamemorable?

kung ako ang tatanungin? maganda yung mga nangyari kaninang hapon... grasya na rin siguro na paulanin ni Lord kanina. Ang ulan nga daw sabi ng mga matatanda, grasya. Wish ko lang din maganda ang kalabasan ng mga nagtapos kanina. Gumradweyt silang umuulan eh? san ka pa?

tapos nun, fireworks. ansya panoorin...kahit nung bandang huli, sa baba na nagsiputok ang mga natirang fireworks. nagkaproblema ata. hehehehe... pero, ayos na rin... napakasaya. napakarelieving (tama b spelling ko? ) ayun... nakakatanggal ng pagod.

pero alam nyo? sayang yung fireworks kanina... wala naman sya sa tabi ko kanina... di nya nakita... haaaaay...

oh yun lang...pabitin muna... basta ang masasabi ko lang.... ang saya manood ng fireworks..pag kasama mo yung taong special para sayo... dibah?
Currently listening to: Wonderland - collapsis
Currently feeling: touched

Break the Ice!