Entries for April, 2006

April 3rd, 2006

Di pala ako nag-iisa...

Posted by icer_sayc at 02:32 PM on April 3, 2006.

masaya pa naman ang lahat ng bagay. napatunayan ko yan ngayong gabi. kahit nasimulan ko kanina ang araw ko sa pag babasketball sa court malapit sa puno ng kamias, naging active naman ang buong araw ko... at masaya pa rin naman..

mabubulok na sana ako sa buong araw kung di pa naman ako nasabihan ng kaibigan ko kung mag checheck ba ako ng grades sa UST... ayun...napagpasyahan kong pumunta kesa mabore hanggang eternity sa bahay... itago na lang natin ang kaibigan ko sa pngalang "scary" kasi sabi nya sa akn...scary daw ako..

ayun...nakarating din naman ako sa ust...medjo nanlalagkit nah kasi sa init ba naman ng araw at usok ng sasakyan malamang manlagkit kang talaga... diretcho naman ako nito sa main building. dalwa ang machine: isa sa taas at isa sa ground floor ng main, pinili ko ang computer sa ground floor dahil hassle umakyat akyat pa at may pumasok sa utak ko...

Maraming klase ng taong nag checheck ng grade at eto sila.

(Click mo dito!)
if you could only know me like your prayers at night....
Currently listening to: The Day You Said Goodnight- hale
Currently feeling: relieved

7 Down!

April 4th, 2006

spell ME: S-E-N-T-I

Posted by icer_sayc at 03:57 PM on April 4, 2006.

anu na nga bang bago sa pag sesenti ko? kelan ba naging bago ang programa dito sa blog na ito... panay kadramahan, panay ewan...pero anung magagawa ko... eto ang nasa saloobin ko diba... wag na lang kumontra.

ansya mag dota kanina, kasama ang ilan kong kabarkada nung high school...ansayang isipin na kahit papano, kayo kayo pa rin ang gumagawa ng paraan para magkita kayo... at maglibang gaya ng ginagawa dati. ayan..ansaya...

ang ganda rin namang isipin na may kanya kanya na silang mga pinagkakaabalahan... masyang masaya, laging may topic ang kwentuhan dibah.. kasabay nito ang pag lantak sa isang bowl ng pancit canton..hot chili flavor... o dba, sabay lagok ng malamig na sprite sa gitna ng hapong kay init at kay boring.

ayun.. ansaya,, shinare ko lang... maganda na yung maging happy ka kahit minsan lang sa buhay mo dibah. yung hindi mo iisipin yung mga pangit na nangyayari sa buhay kahit minsan lang sa isang saglit. ansya isipin..

hay..masaya pa rin makipag sentihan sa kanila...wala nang ikasasaya pa ang mga bagay na ganun... sa lenggwaheng yun lang ko sila maiintindihan gaya nang pagkausap ko sa inyo ngayon. hay.... pano ba ito...isa na namang dramathon ang natapos, kung ning isang araw, fire works, at nung isang arw, Di ako nag iisa, anu naman kayang title ng isinulat kong ito... para tuloy maalaala mo kaya, nasa katapusan ang ending.....

ansarap magsenti...ansarap...
Currently listening to: Mine - Fairgroundz
Currently feeling: contemplative

Break the Ice!

April 5th, 2006

love-song-for-no-one inspired interview...

Posted by icer_sayc at 01:22 PM on April 5, 2006.

Lo-car's up to new responsibilities to serve his university... sa kabutihang palad, nakapasa sya sa screening ng Comm head/staffer search ng CSC, and charaaan, Logistics head na cya...

hay, may malaking balancing na magaganap sa buhay ko, ngayong nakahanap na ako ng panibagong trabaho para sa unibersidad...

nung una kong nakapasok sa waitng area, walang kibuan, parang wala lang, syempre sa loob loob kinakabahan lintik...sobrang kabado ako... kasi nasanany ako sa mga klase ng screening at interview na napakadudugo ng mga tanong sayo na parang gusto ka nilang pigain hanggang sa wala ka nang maisagot pa ng maayos...

pero sa sitwasyong ito, mali pala ang mga inakal kong mangyayari.
isa pala silang bunch ng mga masayahing tao... ayun, masaya namang mga experience.

syempre, naitanong nila kung saan ako graduate at kung anung course ko...hehehe, masaya naman ang mga taong sa akin.. serious, joke time, mga initial reactions mga first impression sa kanilang lahat...at syempre naitanong sa akin kung...


"does love and concil meet?"

ang sagot ko?

Possble naman yun... bakit?

eh kung kaya nyo ba namang pagsabayin ang dalawa at carry nyo lahat ng trabaho, why not dibah? ayun...dun na natapos ang istorya...
kaya para tapusin ito, gusto ko lang sabihin na mahirap ang tatahakin kong daan, kelangan ko rin ng inspirasyon sa lahat ng bagay na gagawin ko...mahaba habang taon din ang nasa harapan koy nakalatag, kaya, ayun... sabi nga ni john mayer..

"im tired of bein alone... so hurry up get here..."

/'nuff said...
Currently listening to: Love song for no one- John Mayer
Currently watching: Panday!
Currently feeling: working

Break the Ice!

April 6th, 2006

Kakayanin ko toh...

Posted by icer_sayc at 03:33 PM on April 6, 2006.

so..hahabol lang ako for this day... 20 minutes b4 d-day... hay, ansya magkakita kita ulit ng mga frendsheeps sa cmli... well, ansaya, taboo all the way...(taboo ay ang board game namin,... heheheheh) well...of course kasama ang ilang architecture peeps...hay....

at eto... ngayon ngayon ko lang naisipan...paninindigan ko na ang lahat ng gagawin ko... kung medyo nabigla ako sa ilang mga bagay, sisikapin kong gagawin ko lahat ng makakaya ko... cmlier ata toh... at papatunayan kong kaya kong gampanan ang mga trabahong nakalaan para sa akin sa buong year....

i need insipiration...

divine intervention...

at syempre... suporta ng lahat, kaibigan, magulang...lahat...

naway i guide ako ng lahat...tulungan ng lahat...

birthday ko na bukas...

yun na lang siguro ang tanging wish ko.....

God help me...
Currently listening to: Narda - kamikazee
Currently feeling: thankful

Break the Ice!

April 7th, 2006

OPS! WAIT LANG!

Posted by icer_sayc at 05:11 AM on April 7, 2006.



Sayc Levels-up to 20


20yrs na akong buhay!!!!!!!

chachi-cody-mich-keps-ash-angge-reynald-alfonso-justine-vannessa-jhoey-jea-elvin-arlene-mike-gil-maan-trixie-nurai-nayd-presh-vanity-earl-mai-anarodd-najja-charlz-kerwin-dos-kelly-ruthee-michael-panji-carl-tempe-max-kmart-cj-anika-paul- at sa lahat ng mga nakaalala, salamat talaga ng marami!

(naisip ko lang...)
Currently listening to: Kahit pa- Hale
Currently feeling: happy

2 Down!

April 16th, 2006

under the same sky..

Posted by icer_sayc at 03:51 PM on April 16, 2006.

dumaan nga naman ang mahal na araw... ilang days din akong nawala sa bahay at nagpunta ng Cavite para mag unwind ng kaunti sa bahay ng ninang ko... at simula hwebes santo, eto ang mga nagawa ko.


Thursday...

Nag pakalulon ako sa panunuod ng DVD sa bahay ni ninang na kumpleto ang setup ng sound system..malufet... dumadagundong ang bahay kapag nirerepeat ko ang Hotel California ng eagles na acoustic version ang pagkakayari...malupitan ito!

nung hapon, nagsimba kami sa tagaytay. masaya. mayat maya ang brownout sa lugar na pinagsimbahan namin... at dahil tagaytay nga, medyo may kalamigan na nung dumilim...ayon...balot na nga sa liwanag ng bwan ang nangyaring misa, balot pa sa dilim ang paligid dahil nga brownout di lang sa lugar na kinatatayuan namin,,,

kundi sa buong tagaytay..gudlak na lang diba?

pag balik sa bahay... DVD galore!

end of Thursday...

Friday...

Hmmm... good friday? eto na siguro ung isa sa pinakamasayang pag mumunimuning ginawa ko... alam kong patay nang mga oras na iyon ang dyos, kaya nga ako nakipag prusisyon nung dapit hapon matapos na panoorin ang brokeback mountain... ayus sa trip ano? hahah..tapos, mga ilang sandali pa nun, nagpakain ako ng kalapati... nice noh? tapos... ang pinakahihintay ko...

stargazing ako... alam naman nating sa probinsya, karaniwang kita kalos ang karamihan ng bituin... hindi lang puro si pareng Orion ang nakikita, may iba pa palang constellation na present sa kalangitan... at lahat iyon, halos nakita ko... kung natatandaan nyo pa si pareng "Scary" na ngayoy itatago natin sa pangalang "Ant Frend" mula dun sa isa pang entry... naishare ko tuloy sa kanya yung mga pangyayaring yun... buti pa nga sya..pa swimming swimming na lang nung mga araw na yun...asteeg dbah? hahah... ako paistar istar gazing na lang rin sa isang tabi...heheheh...

sa hangin, amoy na amoy ang simoy ng bagong pitas na kape na nakababad sa harap ko... ansya.. gaya nga ng nasabi ko... napaka relaxing, napaksaya ng feeling.. at dun na rin naputol ang usapan namin... kakatingin ko na rin at kakawish sa mga bituin...

ang saya... ^_^


Saturday...

wala namang masyadong happening nung mga araw na ito... nagsimba ako nung gabi... anticipated mass ng easter sunday.. ayun... ansaya... nakipagkita ako sa ilang mga pinsan, nag burger machine kami ng isa sa mga pinsan ko...at ayun..tapos ang trip namin... di ko akalain na sa burger ng burger machine, magiging masaya ang tapos ng araw ko... sabay nuod ng kaunting tv...at nagkataong if only ang palabas.... aynako! todo senti na naman si carlo!!!

ansarap ng burger machine...ako na nagsasabi sa inyo.. ^_^

at syempre... araw ng Linggo...

Happy easter nga pala... ayan... bati ko sa mga kaibigan ko kaninang umaga... sabay labas ng bahay para magpatuka ng kalapati...andaming kalapati sa paligid ko!!! hahaha....ansya... sunod sila nga sunod dahil hawak mo ang patuka nila...heheheh..nakakaaliw panooring ang mga ibong iyon... simple lang ang trip ko eh..heheh..

sabay nabitin ata ng kaunti sa burger machine, bumili ulit ako dahil ala pang naluluto para sa agahan...hay... sabay breakpast kami ng ninang at mga ninong ko sa antonio's... sa may tagaytay! anaraaaap! pati yung view... overlooking taal!!! parang lote lang nung major plate namin nung first second year ata first sem...hahah... badtrip un... hehehehe... awww.... naisip ko tuloy,, 3rd yr na kami next year...

at ayun... pagkauwi ko kanina, diretcho na sa basketbol court sa ilalim ng puno ng kamias... hay... tuloy na ang diet ko this week... wala na dapat pero pero... mag diet ka na carlo! hahaha... ayan...
patapos na ako... nagtatampo na c van sa akin kasi antagal ko daw magpost... kaya..eto na mahal na reyna! hahahaha...

kaya bago ako matapos... may narealize ako...

masaya magstargaze.... lalo na pag kasama mo ung taong special sayo...

corny na naman? pero minsan, kung ano pa yung corny... yun pa yung totoo.... ^_^

were just all under the same night sky, i could never be too far...
Currently listening to: The Day You Said Goodnight- hale
Currently watching: spider man
Currently feeling: tired....pero masaya...

Break the Ice!

April 19th, 2006

bored+sentimental = anu nga bah?

Posted by icer_sayc at 03:04 PM on April 19, 2006.

halos wala na akong mashare na matino... parang naghahanap ang sarili ko ng magandang ma sheshare... bakit kaya ganun? meron ka namang ginawa sa buong araw pero parang pag nailagay mo na dito, unti unti nang narerealize ng sarili ko na parang ala atang wenta ito... hmmm


isip sayc, isip...


siguro nga naghahabol ako ng oras para lang makapagupdate ng blog pero hindi rin eh... parang nakasanayan na ng sarili ko na makapagshare ng kahit ano sa iba... gaya nito...



hay....eto.... bored to death, matutulog na nga lang... heheheh... sabagay, may araw pa namang parating bukas... kakayanin kong lahat ng gawain..


at higit sa lahat...magsesenti ako kahit na isang saglit lang bukas... naks... kaya toh...kaya toh...


if tomorrow comes will you be mine? your so unreachable, your way up high...


Currently listening to: Mine - Fairgroundz

1 Down!

April 21st, 2006

Naka Aegis yung manok!!!

Posted by icer_sayc at 03:41 PM on April 21, 2006.

halos katatapos lang ng isang session ng dota kanina... medyo kauuwi uwi ko nga lang rin...

ito nga palang hero na ito ang nagamit ko kanina. Drow Ranger...









ayos lang din naman ang kinalabasan ng laro kanina...maganda... at higit sa lahat panalo.


habang nasa laro kanina, natawa na lang kaming lahat nang nasayang ang isang Aegis (item na pamparevive ulit) dahil napunta lang ito sa gamit nilang manok (a.k.a. extra storage space kasi manok talaga sya!)


at syempre, ranger sya, na itatago na lang natin sa pangalang "traxex" , naka equip sya ng Bow at arrow... para syang si cupid... hehehe...

nasabi ko na rin ang cupid, nanood nga pala ako ng Knights Tale kanina... asteeg... mga medieval pick up lines ang natutunan ko... medjo may kabaduyan ang ilan pero kitang kita yung siseridad nung taong nagsasabi... at gaya nga ng kadalasang nangyayari, yung mga may problema sa ugali, un ang kadalasang nababasted... booom! dump na sya derechong basurahan...

kaya eto... kahit nananakit nakit pa rin ang katawan dahil sa conditioning training na ginawa namin kahapon, nananatiling ok pa rin naman ang araw na ito...kahit patapos na...

kaya eto...naghihintay na lang ng bukas...training na naman... todo pagpapaslim na ito ngayong summer... kaya ko toh...kaya... ako pa?

pag may insipirasyon... yun na yun...gudnyt....

If they knew you... if only they knew you at all... then one by one... angels would fall...
Currently listening to: Binibini-brownman revival
Currently watching: gudtaym
Currently feeling: at nananakit ang katawan.

2 Down!

April 23rd, 2006

one bored maverick

Posted by icer_sayc at 03:15 AM on April 23, 2006.

Ang aga kong nagising, at ala rin akong magawa...





naghihintay ng magagawa, pero sa tingin ko, wala ring darating...





magbabasketbol na naman ako, sa ilalim ng puno ng kamias...





pare pareho na naman ang mga kalaban, sila sila rin lang...




sana kahit papano, maiba naman ang araw ko.... geeez....





sana...training day na ulit... football na ito... (coach, conditioning training ulit ah... heheheheh) [syet, papatayin ako ng teammates ko nito pag nalaman nilang eto ang winiwish ko... waaaaaaah!]





cge pa sayc, konting inspirasyon pa...yaka at carry mo na... go!



theres only so much i can do... after all of the things you put me through...
Currently listening to: Must Get Out - Maroon 5
Currently reading: English Reviewer Book
Currently feeling: hopeful

Break the Ice!

April 29th, 2006

The Truth, The Personality, The Me...

Posted by icer_sayc at 04:07 PM on April 29, 2006.




Your Personality Is


Idealist (NF)




You are a passionate, caring, and unique person.

You are good at expressing yourself and sharing your ideals.



You are the most compassionate of all types and connect with others easily.

Your heart tends to rule you. You can't make decisions without considering feelings.



You seek out other empathetic people to befriend.

Truth and authenticity matters in your friendships.



In love, you give everything you have to relationships. You fall in love easily.



At work, you crave personal expression and meaning in your career.



With others, you communicate well. You can spend all night talking with someone.



As far as your looks go, you've likely taken the time to develop your own personal style.



On weekends, you like to be with others. Charity work is also a favorite pastime of yours.







as far as i know, eto ang on line test na sa tingin ko pinaka malapit ang sagot sa personality ko... naastigan lang ako... nakita ko ang hinahanap ko... like this one..

Your heart tends to rule you. You can't make decisions without considering feelings

this is so00000OOOOOO true... promise...

alam naman nating sa trabaho, sabi nila, we should try o minimize the showing of emotions... pero pano kung nakasanayan mong sa bawat pag dedesisyon mo, laging kasama un sa package... diba? ang hirap naman ata nun...

when it comes to love nga naman... i tend to be soooooOOO sentimental...minsan corny, minsan mushy... alam nyo, meron lang akong pinaniniwalaan talaga... although some people may or may not agree with my thought which is " minsan talaga, kung ano pa talaga yung corny, kung ano ung mushy, kung ano ung senti, yun ang totoo"

basta ako... pag nainlove ako... proven na yun...given na un.. masesenti at masesenti talaga ako... pero di naman ako sira ulo na magpapakaganun buong oras at buong araw... pero... most of the time... tatahimik ako... lalo na pag nasa paligid lang yung taong may special feelings ako...

di naman masama eh... di ko naman kayang biglang baguhin ang sarili ko nang ganun ganun lang...

wow..the sharing...

well, i live by the light of sad songs, romantic poems, and even mushy text messages... but one things for sure... i may play with things... objects, or what ever but i wont ever ever play with other peoples hearts...

masama ang kalalabasan nyan... at hndi dapat sya pinag lalaruan...

hay...ewan ko bah...

hanggang dito na lang muna... baka maiyak ako sa sarili kong sharing eh..


ang buhay raw parang biro...........kung sino pa yung mahalaga..........yun pa ang mawawala sayo.......... eh ang pagdating mo sa buhay ko?.......... biro rin bah?..........wag naman sana.......... kasi pag ikaw na yung nawala..........Hindi na nakakatawa...
Currently listening to: silence....
Currently feeling: moody

Break the Ice!

April 30th, 2006

not sooo optical entry...

Posted by icer_sayc at 05:07 PM on April 30, 2006.




Your Eyes Should Be Violet



Your eyes reflect: Mystery and allure



What's hidden behind your eyes: A quiet passion




well,, i dont know anyone who has a pair of Violet eyes... it sure is weird but i think its cute...

hahaha... ang pinapangarap kong pares ng mata eh green sa kaliwa at blue sa kanan... asteeg yun... kasi one time may pusa kaming alaga ng kaibigan ko.. ganun na ganun ang pares ng mata...

ang mga mata nga pala natin, sabi nila, windows to our souls... kumbaga, clues to our personality... minsan nasasabi ng mata ang di kayang sabihin ng bibig... proven true..

eye contact also improves reports! hahaha proven yan! eye contact also tells someone taht your curious about something na.. halika.. tingnan natin.. ayun...

pero ang magkaron ako ng violet eyes? bagay kaya? hahaha.. makakatulong kaya sa akin un? hahaha... well.. we will see.. sayc has violet eyes... hahahahaha!!!

hay...mga mata nga naman oh...

oh im beginning to miss people... ung mga mata nila... hahaha...asteeg... sana makita ko na sila ulit...

oh well... one good day comin up...


Save your eyes from your tears, when everythings unclear, youll be safe here...from the sheer weight of your doubts and fears, wounded heart... when the light disappears, and when this world's insincere... youll be safe here... when nobody hears you scream,i'll scream with you, youll be safe here... in my arms, in the long cold night sleep tight, youll be safe here... when no one understands...ill believe... youll be safe here.... put your heart, in my hands... youll be safe here....
Currently listening to: youll be safe here
Currently feeling: safe and sound...

Break the Ice!