words have more meaning if they're said at certain times sabi nga nila. Tama nga naman... masaya yung may nasasabi ka sa tamang oras, sa tamang pagkakataon. Pero pano naman pag yung pagkakataong yun eh mamamatay ka na lang eh hindi pa dumadating.
Maghintay yun ang sagot ng karamihan sa tanong na yun sa taas kung wala yun "mamamatay ka na nga lang " part. At syempre...marami ang mga taong naghihintay din ng tamang pagkakataon at tamang panahon para gawin at sabihin ang ilang mga bagay...guilty nga yata ako dun eh..
Manahimik. Isa pa ito sa mga bagay na ginagawa ng karamihan. pag nagkopyahan sa exam, manahimik para di mahuli, mahirap na. pag may nararamdamang kakaiba,nalulungkot, nag mumukmok sa isang sulok... parang pasan ang mundo... at lalo na siguro sa sitwasyong kapag may nararamdaman ka sa isang tao... pag may nararamdaman ang isang tulad
ko tungo sa isa pa... dapat siguro manahimik nga muna talaga ako...
Itago. ang alin? maraming pwedeng itago sa mundo. bagay, hayop, kahit tao pwede nang itago... pero may mga bagay na kahit anun pilit mong itago, lalabas at lalabas pa rin... pero may mga taong pinagkakatiwalaan na hindi sumusuway sa pangakong itago ang mga bagay na gusto mo na lamang maging lihim... pinaka mahirap na atang itago eh yung katotohanan... Yung totoo...yung totoong nararamdaman... pilit mang itago...pilit mang ilihim, makikita lahat sa kilos at gawain...
Umiyak. umiyak sa tuwing nasasaktan...hindi ko ba alam kung bakit napakahirap para sa akin ang gawin toh...hindi naman nangangahulugang mahina ka pag umiiyak ka...sa katunayan..yun nga yung taong malalakas ang loob at di madaling mapanhinaan...dahil marunong silang tumanggap ng mga mabibigat na suntok na ibinabato sa kanila...sa lagay ko... ngayon? pasuntok lang ng pasuntok...walang ibinabalik... iniinda lahat ng sakit..ni isang patak ng luha...walang makita...
Masaya? san nga ba ako masaya? marami...sa maraming bagay ako masaya. di naman kinakailangang malaki, di naman kinakailangang magarbo, di naman din kailangang engrande ang dapat na maging kasiyahan...kuntento na ko sa mga maliliit na bagay na nakikita ko, nadarama ko, mga nagagawa ko... ang hirap intindihin pero mababaw na kung sa mababaw na ang kaligayahan ko.. dahil sa drama ng buhay kong toh pero di ko maipagkakailang sobra sobra na tong nararamdaman ko... sobra na...
ang
Sabihin sayo lahat, mahirap magawa, baka sa isang iglap, mawala na kagad lahat... napakahirap. napakahirap..ambigat ng pakiramdam... basta bahala nah. di ko naman maloloko sarili ko sa ibat ibang pagkakataon... pero sana kung malalaman mo man... sana di ka mag bago... sana..
masaya ang buhay ko...buhay ng walang tulog...buhay bampira... ayun..dadating din siguro yung time kung san masasabi ko lahat toh... di ko na dinadaan sa kung saan pa... kung kelan yun...di ko alam..pero dadating din yung araw na yun..
Blind - Lifehouse
Currently listening to: Blind - Lifehouse
Currently feeling: withstanding everything..