saksak/saksak pa ulit...
Posted by icer_sayc at 12:03 PM on February 1, 2007.
master erfe...
HAPPY BIRTHDAY!!!
rar..hahahaha!
Posted by icer_sayc at 12:03 PM on February 1, 2007.
master erfe...
HAPPY BIRTHDAY!!!
rar..hahahaha!
Posted by icer_sayc at 12:18 PM on February 8, 2007.
eto na...ilang oras na lang an binibilang ko... campaign na. still have a design plate to do and some other stuff to practice. basta. bahala na. lately nga..sobrang nafeel ko na ang stress,, as in... well.. hindi naman bago sa akin ang mastress... pero...naninibago nga lang ako hindi na ako katulad ng dati..
"matanda ka na nga sayc"
hahah... natatawa nalang din ako... pero... what can i do diba?
^_^
so valentimes na... kahit di naman siguro vlentines madrama ako... anung pinag kaiba diba? hahah...
wala lang... i asked a good friend kung san ang date nya sa valentines... sabi nya... "di naman kasi masyadong practical na lumabas sa valentines..." (sa bagay) " una sa lahat, kasabayan mo ang buong mundo sa pag celebrate ng valentines.... tapos biglang traffic pa...tapos... tapos ganito...tapos ganyan..."
then i paused and told myself.... "ok ah... di rin naman ibig sabihin nun na di na magiging makulay ang valentines mo...tama lang...tama..."\
new moon ata nung gabi... nag enjoy kaming panuorin un buwan pagkatapos mag usap... hahah... lupet noh.
^_^
so... valentines na nga... may oras ba ako? (meron kung gagawan ng paraan!)
may ka date ba ako (meron kung mag hahanap,,Ü
uso pa ba valentines sa akin? (oo naman *TUGUSHK!*)
haha.. ang masasabi ko lang...
abangan ang susunod na kabanata!
p.s.
Sportsfest... green and go na... CASC... tara na...Ü
Posted by icer_sayc at 11:57 AM on February 20, 2007.
some friend of mine approached me kanina... its just funny that he asked me, "pano mo ba sasabihin sa tao na may feelings ka sa kanya? yung parang magiging honest ka lang sa nararamdaman mo, yung wala ka nang takot magtago? yung magigising ka kinabukasan knowing na walang nag iiba sa inyo... walang maglalayuan... walang ilangan... alam mo yun?.. "
dumugo ang tenga ko.
walang ya... nayahimik ako ng sandali... ikaw ba naman tanungin ng ganun out of the blue... hindi ka ba naman mabigla ng tuluyan? hindi ba naman manlaki ang tenga mo at magmistulang pipi ka dahil di mo alam ang sasabihin?
ayun... dahil sa napakagaling kong bata... natawa na lang ako... sabi ko, " alam mo pare, kung alam ko lang ang sagot... malamang, nasabi ko na sa yo kagad... natameme nga ako diba? " natawa na lang din sya...
nakakaloko talagang isipin noh.... sobra... bigla bigla kang makakarinig ng mga ganung bagay... un lang naman eh... ayun... tapos... hindi ata nakuntento... nag follow up realization pa....
"alam mo ansakit din pala nung feeling kung yung taong sobrang special sayo... yung taong pinagtataguan mo ng lahat ng nararamdaman mo... sa tingin mo hindi nararamdaman yung kaparehas ng nararamdaman mo for her... grabe talaga pare... iba lang kasi ung pakiramdam nung kunyari sarap na sarap ka nang kainin un cake tapos ampalaya flavor pala.. bruha.. muka lang palang matamis... sayang eh! alam mo yun... kaya minsan alam mo naiisipan ko lang na umamin pero sa lokod likod ng utak ko.... wag na lang... wag na lang... parang nasasaktan na ako ngayon... tapos dadagdagan ko pa ng sakit... mukang mas okei nang ganito yung mga nangyayari... kayasa naman i give up ko pa at bigla pang papangit."
ang bruho. may point si loko. may point sya... pero kung di sya aamin... parang diba? mabubuhay sya sa isang secret na malay mo, makaapekto pa sa buhay nya in the latter days of his life... malay mo, yun lang pala ung naghihinder sa kanyang mag grow and everything... pero.. i know
sobra...
may point sya..
and so...
ayun... ganito natapos ung usapan namin kanina... grabeh..
"basta un lang muna un pare... gusto ko lang ng may makikinig sa bawat bagay na nasasabi ko... ang hirap lang kasi bumwelo.... di mo alam kung kelan... di mo lang kung saan... at lalong di mo alam kung pano.... magsasalita ka nga.... hindi naman lumalabas ng tama sa bibig mo... ayun...well... sige na nga... kaya toh..."
ayun... natapos...
masayang di mo madescribe...
malungkot din pero hindi naman masyado...
at lalong malabo kung nakakarelate ka sa taong kausap mo...
at syempre...
mas lalong weird pag kausap mo sarili mo.