e-mail chronicles 7: just an excerpt...
Posted by icer_sayc at 12:07 AM on June 1, 2007.
but friendship is clairvoyant...
Posted by icer_sayc at 12:07 AM on June 1, 2007.
Posted by icer_sayc at 06:54 PM on June 2, 2007.
naalala ko tuloy yung mga araw na nasa kinder ako. walang kamwang mwang drowing dito drowing dun, rant dito, rant dun, yung sa twing oras ng recess eh nag hihingian kayo ng baon ng mga kaklase mo. may mga magbibigay at may mga
MAGDADAMOT. 
hehehe... sila yung mga nagbibigay ng kulay sa bawat recess time! at dahil sa nanghihingi ka ng baon, at ang goal mo:
MAKATIKIM. heheheheh... ayun.. masaya... pero minsan nauuwi sa iyakan ang hingian ng baon! lalo nat kung ang sayo eh hotdog ang palaman at ang kanya eh bacon! hahahahaha kamusta ka naman... syempre marunong ka rin namang tumingin ng masarap diba? hhahaha
syempre habang nagdodrowing, marami rin sumusulpot na problema na kailangang lampasan!
gaya na lang ng purol na lapis!
pag wala kang pantasa, hihiram ka! hahah... at syempre! may mga kaklase ka ring pagkakaitan ka ng pantasa! at hindi lang yun! ipagyayabang pa nila yung pencil case nilang push-button-and-spring-action ang tipo! o dba? tapos lalabas ung mga lapis nya! grabe. eh di hindi na sa lapis ang atensyon mo..
nasa pencil case na. 
isa pa dyan yung krayola...
una pag kinakausap mo yung klasmate mo, aba... daig pa si maricel soriano kung magtaray...
kabata bata, ang lakas magtaray..
yun naman kasi..
kulang sya ng kwayeon (crayon yan mga kaibigan)!
at hinding hindi ka nya papansinin kapag di mo binigay sa kanya yung krayola mo! at minsan... nakakainis pa, mas mayaman na nga sya sayo.. mas marami na nga syang kwayeons , pink pa ang mawawala. wooohooo..kamusta naman un dba?
ayun.. pag dating mo tuloy sa bahay... wala kang star.. bakit?
walang kulay ung baboy na dinrowing mo...
nasa klasmate mo ung pink eh. 
hehehehe... yehey!
wala lang...masaya lang magreminisce ng buhay kinder. pati kinder talk. mga maliliit na bagay lang ung mga pinroproblema ng bata... di katulad ngayon.. malakihan na... hahah..utang, telepono, load,love... (wtf?)
hingin ko din kaya sa mga classmate ko yun mga yan?
hahahahahah!!!
ayun..haha.. ayus ba?
Posted by icer_sayc at 02:58 PM on June 25, 2007.
i badly need a slap nowadays.
doing so will help...
really.