saan na nga ba?
Posted by badhairday at 03:20 PM on November 21, 2009.
Pag nasa taas ka ng gulong, ang boring ng buhay. puro temporary happiness. nakaka-high sa simula. sa bandang gitna, wala na yung magic ng mga bagay-bagay. sa dulo, wala ng dating.
pag nasa baba ka naman ng gulong, sobrang exciting naman ng buhay mo to the point na nababaliw ka na at nagkakaugaga sa gulo.
pero, kahit san ka man mapunta, lahat may magandang nadudulot.
pag nasa itaas ka, narerealize mo yung mga maliliit na bagay na importante sayo. maliliit na bagay in a sense na, kaya mong mabuhay kahit wala sila pero dahil nakukuha mo sila, nalalaman mong swerte ka.
pag nasa ibaba ka naman, narerealize mo yung mga bagay na napakaimportante sa buhay mo. mga bagay na, di mo kayang mawala. na mawawala na yung sense ng buhay mo pag nawala ang mga ito.
pag nasa itaas ka, nawawala ang mga priorities mo nang panandalian. nawawala ka. nalulunod ka sa mga bagay-bagay na akala mo nakakapagpasaya sayo. pero lahat ng yon, di nagtatagal. nakakasawa lang at nakakapagod pagtagal na pag dumating ka na sa point ng tamang oras, wala ng spark.
pag nasa ibaba ka naman, alam mo kung ano ang priorities mo. mahirap lang magbalanse dahil madalas na hindi nabibigyan ng pagkakataon, o ang pagkakataon ang nagkakait sayo ng diretsong sagot.
naisip ko ulit kanina, maswerte ako. kasi kahit papano, nararanasan ko mabuhay sa parehong mundo. though in a different sense nanaman ito.
alam ko yung feeling ng deprived at ng privileged; yung maging katulong at maging prinsesa; kulang at sobra; at oo at hindi.
hindi ko man maexperience yung ends nung both worlds, at least nakaapak ako sa state ng dalawang mundo, kahit sa patikim lang.
career state, wala paring progress ang buhay ko. bente dos na ko, di ko pa rin alam kung ano ba ang gusto kong gawin sa buhay ko. may idea naman ako ng gustong kong gawin, malayo lang siya sa state ng buhay ko.
para akong nawawala sa mundong alam kong may option pero walang choice mamili ng option. tipong torn dun sa buhay na gusto kong gawin at sa buhay na pinapangarap para sakin. yung buhay na madaling sabihin na dapat sundin mo yung gusto mo dahil ikaw ang nasa driver seat, kaso, yung kasama mo sa passenger seat na nagturo sayo kung pano magmaneho eh ibang istilo ang tinuturo.
gusto mong gawin yung gusto mo, pero may utang na loob ka sa magulang mo. gusto mo maging masaya, pero gusto mo rin silang maging masaya.
kaso, kahit na ipilit ko sa daan na gusto kong puntahan, yung daan na gusto ko, magulo--walang plano, walang malinaw na pangarap, walang kabuuan. pero yung pinipiling daan ng magulan mo, nakikita mo hanggang dulo kung ano yung kahihinatnan--malinaw, may direction at may kabuluhan.
ang nakakatakot na lang, pano kung dumating sa punto na andun ka na sa lugar na may kabuluhan, maramdaman mo pa kayang may kabuluhan ang lahat? kung ang sarili mong pangarap, di mo natupad?
madali sana ang buhay kung lahat ng bagay, kailangan paghirapan na may kasiguraduhang may kahihinatnan. kaso kailan ba gumana ang buhay ng ganon?